Sunday, July 25, 2004

Habang May Buhay

Posted by Unknown at 6:44 PM
Maraming pagbabago ang naganap sa aking buhay ng dumating ka. Noon, hinangad ko lang na maging kaibigan ka ngunit sadyang mabait ang kapalaran, higit pa sa aking hinangad ang ibinigay nya, higit pa sa isang kaibigan ang naging relasyon natin. Minahal kita at minahal mo ako sa kabila ng katotohanang ako ay may sakit na Leukemia. Bagamat alam mo ang aking karamdaman ay hindi ito naging balakid sa ating pagmamahalan. Masaya at buong tapang nating nilabanan ang aking sakit, hindi ko iniinda ang sakit na aking nararamdaman basta't alam kong na ikaw ay nasa aking tabi. Ngunit hindi natin mababago ang katotohanan na ako ay kailangan ng magpaalam. Nagpapasalamat ako sa iyo mahal sapagkat ginawa mong makabuluhan ang maikli ngunit masayang pananatili ko dito sa mundo. Sa maikling panahon na kasama kita, ipinaramdam mo sa akin na napakasarap mabuhay at magmahal.

Ang iyong mga ngiti, haplos, yakap at pagmamahal pati ang lahat ng alaala mo ang tanging baon ko sa aking paroroonan, at kung bibigyan pa ako ng isa pang pagkakataon na mabuhay muli, ikaw pa rin ang hahanapin at habang buhay na mamahalin.

Salamat sa magagandang alaala na ipababaon mo sa akin, ang tanging maiiwan ko lamang sa'yo ay ang salitang MAHAL NA MAHAL KITA, hindi lamang HABANG MAY BUHAY maging hanggang sa KABILANG BUHAY...

This letter was really touching.. Based from the movie A Walk To Remember..

0 comments on "Habang May Buhay"

Unknown

0 Responses
 
TwinkleDream Copyright © 2009 Girl Music is Designed by Ipietoon Sponsored by Emocutez